Pabaon ko oh!

Hindi man ako kasing husay mo sa paglapat ng mga salita na may ritmo,

O kasing galing mo sa paggamit ng wikang Filipino,

Pero sinubukan ko pa rin dahil wala akong bagay na maipapabaon sayo kundi ang mensaheng ito.

 

Dalawa o higit pang mga taon ang pwede mong ipamalagi sa lugar na iyon,

matagal man o mabilis,

Siguradong marami sayo ang makakamiss.

 

Nakakatawang isipin pero alam kong hindi ako ganun kabuti sayo.

Isa ka sa mga kalalakihan na nakatikim ng sipa’t suntok ko.

Isa ka sa mga nagkikritik pag may dapat akong baguhin sa outline ko.

Isa ka sa mga nakakainis na taong kilala ko.

 

Gayunman, isa ka rin sa pamilya na pinapahalagahan ko

Isa kang kaibigan na nagpapaalala at nagpapalakas ng loob ko

Hindi mo man alam,

Isa kang pagpapala sa lahat ng nakapaligid sayo: sa mga taong natatakot at nanglulupaypay,

Isa kang halimbawa ng katatagan.

 

Ikaw yung taong hindi mo man sadyain likas kang maalalahanin,

Ikaw yung taong kapag may maagang lakad ay kelangan pang gisingin.

Ikaw na mas pipiliin pa talaga ang paghahain ng pagkain kesa sa meeting

Ikaw na tunay at tapat sa lahat ng sasabihin.

 

Oo ikaw, ikaw na maraming puting buhok,

Ikaw na nagpapaawit kapag linggo,

Ikaw na tumatayo sa pulpito

Ikaw na sumusunod kahit hindi detalyado

 

Maraming bagay na tayong pinagkasunduan, iniyakan, pinag-awayan, tinawanan,

Sa anim na taon lumago tayong magkasama at magkasabay,

Kasabay ni Karl sa lakaran pagkatapos ng eskwelahan,

Kasabay naglingkod kahit nahihirapan.

 

Alam kong hinding-hindi mo ipagpapalit ang Kanyang kalooban,

Kaya naman hindi na kita pipigilan,

Dalangin kong manatili kang malusog at matatag,

Lumipas man ang panahon,

Manatili kang kay Kristo at para kay Kristo.

 


God bless Jhoven. Alam kong pagkasama mo Sya wala kang hindi kaya. 🙂

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s